Nilinaw ni Sen. Manny Pacquiao na simula noong March 24, pagkatapos ng special session ay nag-self quarantine na sya bago pa niya matanggap ang liham ni Barangay Captain Rosanna Hwang na humihiling na siya ay mag-home quarantine.
Inihayag din ni Pacquiao ang negatibong resulta nya sa COVID-19 base sa rapid testing kits na galing sa kanyang mga kaibigan sa South Korea.
Nananatiling maayos ang pakiramdam at kondisyon ng kalusugan ng pambansang kamao.
Tiniyak ni Pacquiao na sa oras na may maramdaman syang sintomas ng coronavirus ay sasailalim siya sa COVID-19 testing Department of Health (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) basta’t nais niyang unahin muna ang iba lalo na ang mga persons under investigation (PUIs).
Nabanggit din ni Pacquiao na excited siya sa pag-turn-over sa DOH ng 57,600 test kits mula sa kaibigang si Jack Ma ngunit minabuti niyang manatili sa bahay.
Nangako si Pacquiao na kahit naka-home quarantine, ay patuloy siyang hahanap ng paraan upang makatulong sa ating mga kababayan, lalo na sa mga magigiting na frontliners.
Kasabay nito ay hinikayat ni Pacquiao ang lahat na patuloy na magdasal at manalig sa Panginoon at gawin ang nararapat tulad ng pakikipagtulungan sa pamahalaan.