Senator Pacquiao nais tumakbo sa pagkapangulo, ayon kay Senator Lacson

Inihayag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na nagbabalak si Senator Manny Pacquiao na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Ayon kay Lacson, noong nakaraang taon ay ilang beses siyang kinausap ni Pacquiao hinggil dito.

Pero paglilinaw ni Lacson, dahil sa pandemya ay ayaw na munang pag-usapan ni Pacquiao ang kanyang plano sa politika.


Hindi naman itinanggi at hindi rin inamin ni Pacquiao ang sinabi ni Lacson.

Ang sabi ni Paquiao, ang pagiging pangulo ng bansa ay nasa kapalaran at kalooban ng Panginoon kaya marami ng nangarap nito ang nabigo.

Giit ni Pacquiao, dapat wala munang politika sa panahon ng COVID-19, lalo na ngayon na tumataas muli ang bilang ng mga nagkakasakit.

Diin ni Pacquiao, nakakahiyang pagkaabalahan ang politika sa halip na bakuna ang pinag-uusapan dahil tulong at hindi debate ang hinahanap ng tao ngayon.

Facebook Comments