Upang maisakatuparan ang kaniyang plano na tapusin ang korapsyon at maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap na mamamayan, ay inihayag na ni presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao ang ilan sa kukunin niyang miyembro ng kaniyang economic team.
Ngayon pa lamang, ayon kay Pacquiao ay mayroon na siyang interim economic team na pangungunahan ni Campaign Manager Salvador “Buddy” Zamora, na aniya’y isang matagumpay na negosyante at eksperto sa pagbabangko, mining, agriculture, telecommunications, at marami pang iba.
Kasama rin sa binanggit ni Pacquiao si Mimo Osmeña, ang chairman ng Cebu-based Promdi political party na anak ni dating Cebu Gov. Lito Osmeña, na mas lalong kilala bilang “Father of Ceboom”, termino na ginamit para ilarawan ang pag-unlad ng Cebu noong 1990s.
Ni-recruit rin ni Pacquiao si Noel “Toti” Cariño para tulungan siya na maisakatupran ang kanyang plano na magbigay ng libreng pabahay sa mga mahihirap.
Si Cariño ay chairman at presidente ng Fil-Estate Realty Corporation na responsible sa maraming subdivision sa bansa.
Kasama rin sa economic team ni Pacquiao si Gary Vasquez, pioneer sa paggawa ng prefabricated na bahay para sa low- to middle-income classes.
Kinokonsidera rin sina banking and insurance expert Luis Benitez, na dating senior partner sa SGV.
Binanggit din ni Pacquiao si Dean Cambe, na dating US Navy na ngayonn ay may-ari at namamahala ng VIP Jet Services sa Estados Unidos, na isang kompanya na pasok sa pagpapaarkila ng jets at helicopters.
Gusto rin ni Pacquiao na makuha ang University of the Philippines professor at political scientist na si Dr. Clarita Carlos para tulungan siya sa West Philippine Sea issue.