Senator Pacquiao, sunod-sunod ang pagpapadala ng tulong sa mga biktima ng bagyo

Bumili pa ng karagdagang relief goods si Presidential Aspirant Sen. Manny Pacquiao para ipadala sa nasalanta ng Bagyong Odette.

Ito ay kasunod ng naunang isang eroplanong tulong na dinala niya sa Cebu nitong Sabado ng gabi.

Sakay ng Cebu Pacific Airbus A320, lumipad ang eroplano dala ang sampung tonelada ng iba’t ibang pagkain para sa mga biktima tulad ng bigas, delata, noodles, damit, at kape.


Kaugnay nito ay umaapela si Pacquiao sa kaniyang mga kaibigan sa international community para magbigay ng tulong katulad ng pagkain, tubig, blankets, damit, power generators at construction materials.

Sampung metriko toneladang assorted relief goods naman ang sakay ng British Aerospace Avro RJ100 ang lumipad nitong Linggo sa Cebu.

Binanggit ni Pacquiao na bukod pa ito sa ipapadalang tulong niya sa Leyte at CARAGA region pati ang pagkakabit ng generators sa ilang lungsod at municipal halls para magamit sa charging ng cellphones.

Facebook Comments