Pangunahing nais marinig ni Senador Robinhood “Robin” Padilla sa unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga plano sa agrikultura, enerhiya at trabaho.
Binanggit ni Padilla na nais niyang makita kung paano tutugunan ng administrasyon ang pangangailangan na tayo ay makapag-produce ng sariling pagkain.
Nais ding malaman ni Padilla, ang programa ng administrasyong Marcos sa kuryente – kasama na ang balak na paggamit ng nuclear energy dahil uso pa rin ang brownout sa marami pang lugar tulad sa Occidental Mindoro.
Gusto ring marinig ni Padilla kung ano ang balak ni PBBM sa iba pang programa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng anti-drug war at “Build Build Build.”
Umaasa din si Padilla na may sasabihin si PBBM ukol sa isinusulong na pag-amyenda sa Saligang Batas.