Kamara, naglunsad ng website para sa SONA ni PBBM

Inilunsad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang website na nakatutok para sa gaganaping unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang SONA22.ph ay nagtatampok ng mga paghahanda at iba pang balita patungkol sa pagbubukas ng first regular session ng 19th Congress at ang gagawing pagko-convene ng Kongreso para sa SONA ng pangulo.

Makikita rin sa website ang kasaysayan, trivia at mga mahahalagang impormasyon sa SONA noon ng mga dating pangulo ng bansa.


Kung isasama ang SONA mamaya ni Pangulong Marcos Jr., nasa kabuuang 84 na SONA na ang naisagawa.

Samantala, ipapalabas din ang unang SONA ni Marcos sa Facebook page at YouTube channel ng House of Representatives.

Alas-kwatro ng hapon naman gaganapin ang SONA ng pangulo.

Facebook Comments