Senator Pimentel, tutol na bigyan ng pabuya ang magtuturo sa mga pamilyang hindi na dapat kasama sa 4Ps

Kontra si Senator Koko Pimentel sa plano ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Erwin Tulfo na bigyan ng 1,000 pisong pabuya ang magsusumbong ng mga pamilya na hindi na karapat-dapat maging benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Babala ni Pimentel, maaring magkakaloko-loko na ang programa dahil ang layunin nito ay tulungan ang mahihirap at hindi magbigay ng pera sa mga informer na posibleng hindi mahihirap.

Giit ni Pimentel, hindi kailangang kumuha ang DSWD ng mga informer dahil kasama sa trabaho nito na tiyaking ang mga tunay na mahihirap lang at karapat-dapat ang nakikinabang sa programa.


Ayon kay Pimentel, gamit ang sariling mga tauhan ng DSWD ay dapat suriing mabuti ang listahan ng mga kasama sa 4Ps.

Sabi ni Pimentel, ito ay upang matukoy ang milyun milyong mga benepisaryo nito na dapat ng gumradweyt para mabigyan naman ng pagkakataon ang iba pang kwalipikado sa programa.

Facebook Comments