Dating Pangulong Duterte, hindi siguradong makakadalo sa SONA ni PBBM

112

Bahagi na ng tradisyon na iniimbitahan ang mga dating pangulo ng bansa para dumalo sa State of the Nation Address o SONA ng ating presidente.

Pero ayon kay Senator Christopher Bong Go, hindi sigurado kung makakadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes.

Sakaling hindi makadalo ay naniniwala naman si Senator Go na masayang pakikinggan ni dating Pangulong Duterte ang ihahayag ni PBBM na mga plano niyang gawin para sa bansa.


Nakakatiyak din si Go na sa anumang paraan ay tahimik na gagawin ni dating Pangulong Duterte ang kaniyang parte bilang pribadong mamamayan para makatulong sa ikabubuti ng ating bansa at mamamayan.

Facebook Comments