Senator Pimentel, umaasang hindi makakasama sa relasyon ng Pilipinas at Amerika ang anumang hakbang ni Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Umaasa si Senate President Koko Pimentel na walang sinuman ang nag-iisip o gumagawa ng anumang hakbang na makakasama sa relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa tulad ng Amerika at mga kasapi ng European Union.

Ang pahayag ay ginawa ni Pimentel kasunod ng balitang kumalat na nasa Amerika ngayon si Senator Antonio Trillanes IV at kinukumbinsi ang mga mababatas doon na pigilan si US President Donald Trump na bumisita sa Pilipinas.

Sarkastikong tanong ni Pimentel, US politician na ba ngayon si Senator Trillanes?


Binigyagn diin ni Pimentel na kung talagang mahal natin ang ating bansa ay isasaalang alang natin sa lahat ng pagkakataon na gawin kung ano ang makakabuti sa intres ng ating bansa.

Una nang inihayag ng White House na dadalo si US President Trump sa ASEAN Summit na gaganapin dito sa pilipinas ngayong Nobyembre.

Facebook Comments