1, 271 Barangays sa Pangasinan Drug- Cleared Na!

Sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte tuloy tuloy parin ang drug clearing operations ng PNP Pangasinan kahit na mayroon ng direktiba mula kay PNP Chief Ronald Bato na ililipat na ang pangangasiwa sa anti-drug operations.

Ayon kay Police Inspector Norman Florentino sa KBP Forum ngayong araw nasa 1, 271 barangay na ang drug cleared at mayroon pang 29 barangays na natitira sa buong pangasinan. Alaminos City ang kauna unahang siyudad sa buong bansa na na drug cleared at ngayon mayroon na ring walong munisipalidad sa Pangasinan na kasama sa mga drug cleared.

Tuloy and drug clearing opearations ng PNP at iinform na lamang nila ang PDEA upang ma-cleared ang barangay na sangkot sa drugs operations. Sa ngayon ang PNP ay magfofocus sa anti-criminality, unsolved cases at sa mga riding in tandem.


Facebook Comments