Manila, Philippines – Katanggap-tanggap para kay Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na patawan ng multa ang Uber sa halip na ipatapos rito ang 30 araw na suspensyon.
Naniniwala si Senator Poe na ang pagbabayad ng multang 190 milyong piso bilang isang kondisyon bago makapagpatuloy ng operasyon ay sapat na para mapaisip ang Uber sa mga naging aksyon nito at mabalikan ang istratehiya nito ng pagsubok sa hangganan ng regulasyon ng pamahalaan.
Pasado rin para kay Senator Poe ang 20 milyong pisong tulong pinansyal na nararapat ibigay ng Uber sa mga drayber nito araw-araw, na isang uri na rin ng multa kung tutuusin.
Gayunpaman, ikinadismaya ni Senator Poe ang na inilabas ng LTFRB ang desisyon nito sa pagtatapos na ng Biyernes ng hapon.
Ayon kay Poe, ang timing ng LTFRB ng paglalabas ng pasya ay nagkita sa Uber ng oportunidad na bayaran agad ang multang ipinataw rito para makabalik agad sa operasyon.
Nakakalungkot isipin, ayon kay Senator Poe na parating ang isang long weekend at kailangang tiisin ng mga tao ang hirap ng pagkakaroon ng limitadong pagpipilian sa transportasyon sa paglibot sa siyudad kasama ang kanilang pamilya.