Senator Poe, intresado sa tunay na layunin ni Senator Gordon sa planong reinvestigation sa Mamasapano incident

Manila, Philippines – Para kay Senator Grace Poe, prerogative o karapatan ni Senator Richard Gordon bilang chairman ng committee on justice and human rights at blue ribbon na imbestigahan muli ang Mamasapano incident.

Gayunpaman, iginiit ni Senator Poe na mas makabubuti para sa kapakanan ng publiko at ng senado na ilahad ni Senator Gordon ang malinaw ang objective o layunin nito sa planong reinvestigation.

Ayon kay Senator Poe, kung mayroon pang lalabas na mahalagang impormasyon sa planong muling pagdinig ay hindi lamang sa pamilya ng SAF 44 makakabuti kundi sa mamamayang Pilipino.


Kasabay nito ay sinabi ni Poe na sakaling matuloy ang pagpapaharap kay Pangulong Noynoy Aquino, asahan ang gagawin nitong pag-invoke ng kanyang right against self-incrimination dahil gumugulong na ang kaso laban sa kanya.

Para din kay Senator Poe, marapat lang na hayaan ang Office of the Ombudsman ng pagkakataon na pag aralang mabuti ang kasong inirekomenda nito laban kay dating Pangulong Aquino.

Katwiran ni Poe, lahat naman tayo ay naghahangad ng katotohanan at hustisyan kaugnay sa mamamasapano incident na naganap noong pang January 2015.

“It would be to the interest of the public and the members of the Senate to know the clear objectives of Senator Gordon in putting forward such proposal. Whatever new and relevant information that can be unearthed from this inquiry, in aid of legislation, will be beneficial not only to the families of the SAF 44, but also to the Filipino people,” pahayag ni Senator Poe.

Facebook Comments