Senator Poe, pinagpapaliwanag ang DPWH sa planong pagsasara sa Makati-Mandaluyong Bridge

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ni Committee on Pubic Services Chairperson Senator Grace Poe ang Department of Public Works and Highways o DPWH kaugnay sa planong pagsasara sa tulay na nagdudugtong sa Makati at Mandaluyong simula January 19.

Katwiran ni Poe, wala namang problema at nagagamit pa ang Rockwell bridge kaya wala siyang makitang dahilan kung bakit kailangan itong isara para palakihin.

Base sa plano ay popondohan ang proyekto ng 1.3-billion pesos at ang kontraktor nito ay ang China Communications and Construction Corporation na sya ring nagsagawa ng reclamation sa West Philippine Sea.


Diin pa ni Poe, ang nasabing kompanya ay banned din sa World Bank noong 2009 dahil sa anumalya kaugnay sa multi bilyong pisong mga proyekto na pinondohan nito sa Pilipinas.

30-buwan na isasara ang nabanggit na tulay na tiyak magbubunga ng masikip na daloy ng trapiko.

Hindi rin maunawaan ni Poe, kung bakit kailangan itong palawakin sa apat na lanes gayung ang mga kalye na pinagdudugtungan ng magkabilang dulo nito ay parehong tig 2 lanes lamang.

Facebook Comments