Senator Poe, umaasang aaksyunan agad ng Ombudsman ang sinampang kaso ng DOTr kaugnay anomalya at kapalpakan sa MRT

Manila, Philippines – Umapela si Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe sa Ombudsman na bilisan ang aksyon kaugnay sa mga kasong isinampa ng Department of Transportation o DOTr hinggil sa mga kapalpakan at anumalya sa operasyon ng Metro Rail Transit o MRT line 3.

Ang pahayag ni Poe ay makaraang sampahan ng DOTr ng kasong plunder ang ilang dating opsiyal ng Aquino administration dahil sa problema sa MRT.

Giit ni Poe, kailangang kumilos na agad ang Ombudsman para bigyan ng hustisya ang paghihirap ng mga pasahero ng MRT.


Naniniwala si Poe na naging maingat ang DOTr sa pagbuo ng nabanggit na kaso para matiyak na malakas ito at may sapat na mga ebidyensya para mapanagot ang nasa likod ng kwetsyunableng kontrata ng pamahalaan sa maintenance provider nitong BURI.

Maging sa pagdinig aniya ng Senado ay lumabas din na maanumalya at hindi pabor sa publiko ang paggawad ng kontrata sa BURI.

Diin ni Poe, sa pagpasok ng BURI sa MRT ay nagsimula ang mga aberya sa operasyon ng MRT.

Facebook Comments