Muling nakiusap ngayon si Senator Ramon Bong Revilla Jr. sa Inter-Agency Task Force (IATF) na irekonsidera ang patakaran nito ukol sa paglalagay ng barrier sa motorsiklo dahil lubhang delikado.
Ayon kay Revilla, sa halos dalawang linggo mula nang ipatupad ng IATF ang paggamit ng divider sa mga motorsiklo, ay ilan nang aksidente ang idinulot nito.
Giit ni Revilla, huwag nang hintaying maging sanhi pa ito ng mas malalang aksidente na imbes makatulong ay baka magdulot pa ng malaking perwisyo.
Binigyang-diin ni Revilla na napakarami nang nagsasabi na nahihirapan silang magbalanse at magmaneuver ng kanilang motorsiklo dahil sa divider na dagdag gastos din para sa mga nagmomotor na gipit dahil sa pandemya.
Hiling Revilla sa IATF, magsagawa ng komprehensibong konsultasyon sa motorcycle manufacturers at experts para sa pagbalangkas ng bagong patakaran na magbibigay proteksyon sa mga motorcycle rider laban sa COVID-19 at magliligtas din sa kanila sa aksidente sa lansangan.