Friday, April 10, 2026

Senator Risa Hontiveros at Gabriela Women’s Partylist Representative Sarah Elago, naglabas ng pahayag kaugnay ng pambabastos ng isang TNVS driver sa isang aktres

Hindi napigilang maglabas ng pahayag ni Senator Risa Hintiveros at Gabriela Women’s Party-List Representative Sarah Elago kaugnay ng pambabastos ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS) driver sa aktres na si Xyriel Manabat.

Ayon sa senadora, maaaring makulong o pagmultahin ang naturang driver dahil sa gender based online sexual harassment sa ilalim ng Safe Space Act o Bawal Bastos Law.

Sa kabilang banda, nanawagan naman si Garbiela Women’s Party list Representative Sarah Elgao sa mga TNVS na magsagawa ng gender sensitivity training at anti-sexial harrament seminars sa lahat ng TNVS driver.

Samantala, pansamantala nang sinuspendi ang naturang driver ng Grab Philippines at humingi na rin sila ng paumanhin sa aktres.

Facebook Comments