Batas na magbibigay parusa sa EJK, isinusulong ng CHR

Iminungkahi ng Commission on Human Rights (CHR) sa Kongreso na magpasa ng batas na magtatakda at magbibigay ng parusa sa Extra Judicial Killings (EJKs).

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, ang gagawing panukalang batas ay dapat nakabase sa international human rights laws and standards.

Aniya, sa ganitong paraan, mapipigilan ang korte na pagbali-baliktarin ang kanilang desisyon at mapanatiling nakatuon sa pagprotekta ng kanilang integridad at kalayaan.


Matatandaang nabatid ng CHR na sa 466 drug suspect na umano’y nanlaban habang nagsasagawa ng anti-illegal drugs operations ang kapulisan, 11 lamang sa mga ito ang nakaligtas at nabuhay.

Dahil dito, iginiit ni Gana na dapat panagutin ang nasa likod ng nasabing krimen.

Facebook Comments