Nakatakdang mag-file ng bail ngayong araw si Senator Risa Hontiveros sa kasong wiretapping na isinampa laban sa kanya sa Pasay City Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 46.
Aniya, kasama niya ang kaniyang legal team, pupunta sila mamayang alas-10:00 ng umaga sa MTC Branch 26 ng Pasay City upang makapag-bail o pyansa.
Si Judge Rechie N. Ramos-Malabanan ang humawak ngayon sa kaso ni Senator Hontiveros.
Matatandaan, noong 2017, nag-file ng kaso si former Justice Secretary Vitaliano Aguirre laban kay Hontiveros kaugnay sa paglabag unamo ng senador sa Republic Act No. 4200 o Anti-Wire Tapping Act noong kasagsagan ng Senate hearing sa Kian delos Santos slay case.
Facebook Comments