Naghain si Senator Sherwin Gatchalian ng reklamong cyberlibel laban sa isang pahayag ni dating Energy Secretary Alfonso Cusi noong Pebrero hinggil sa controversial na Malampaya deal.
Sa isang pahayag, inihain nito ang reklamo sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Ayon kay Gatchalian, ang tila ‘defamatory’ statement ng dating kalihim noong Pebrero 22 ay magbibigay ng malisya sa repuastyon at integridad niya bilang senador at sa imbestigasyon ng hinahawak nitong Senate Committee on Energy.
Mababatid na napag-alaman ni Senado ang pagbebenta ng 45% ng stake ng Chevron sa Malampaya project sa Udenna Corporation na pagmamay-ari ng bilyonarong si Dennis Uy.
Itinanggi naman nina Cusi at Uy ang alegasyong isang ‘midnight deal’ ang nangyari rito at iginiit na ang nangyaring transaksyon ay legal at tapat.
Sa ngayon, wala pang tugon si Cusi sa naturang reklamo.