Senator Sonny Angara, bukas maging DepEd secretary

Courtesy: Sen. Sonny Angara FB

Bukas si Senator Sonny Angara na maging kalihim ng Department of Education (DepEd) oras na alukin sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos ang posisyon.

Ayon kay Angara, bukas siya na tanggapin ang posisyon kung sakaling pagkakatiwalaan siya rito ng pangulo.

Inamin din ni Angara na imposibleng tanggihan niya si Pangulong Marcos kapag inalok siya sa nasabing pwesto.


Ayaw pang magbigay ng ibang komento ng senador pero handa siyang tumulong sa gabinete ng presidente kung kakailanganin nito tulad ng ginagawa nilang pagtulong sa pangulo sa Senado.

Sa ngayon aniya ay wala pa namang kumakausap o alok sa kanya na maging DepEd Secretary mula sa palasyo dahil posibleng kailangan pa ni Pangulong Marcos ng oras para makapili ng nababagay at napupusuan sa posisyon.

Facebook Comments