Senator Sotto at Senator Honasan, pabor na ideklarang terorista ang NPA

Manila, Philippines – Suportado nina Senate Majority Leader Tito Sotto III at Senator Gringo Honasan ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang terorista ang New People’s Army o NPA.

Ayon kay Honasan na siya ring chairman ng Committee on National Defense and Security, si Pangulong Duterte ang Commander In Chief ng lahat ng security forces ng bansa, at may hawak na impormasyon mula sa kanyang national security advisers.

Diin ni Honasan, prerogative ng Pangulo ang pagdedeklara sa isang grupo kung ito ay terrorista o hindi.


Katwiran naman ni Senator Sotto, ang NPA ay matagal nang naideklara ng isang RTC court sa Mindanao bilang isang terrorist group, kung kayat asahan na aniya ang nabanggit na hakbang ng Pangulo.

Facebook Comments