Manila, Philippines – Plano ni Committee On Ethics Chairman Senator Tito Sotto III na mag-inhibit sa mga pagdinig na kinabibilangan ng mga senador na may kinakaharap na ethics complaint.
Paliwanag ni Sotto, ang kanyang hakbang ay bahagi ng layunin niyang maging neutral sa mga ethics complaint na hawak ng kanyang komite.
Ang pag-inhibit ay pormal na ipapaalam ni Sotto sa pamamagitan ng isang liham sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Lacson na sinampahan ng ethics complaints ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Mag-i-inhibit na rin si Sotto sa mga pagdinig ukol sa mga anomalya sa Bureau of Customs ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan naman ni Senator Richard Gordon.
Si Senator Gordon ay may nakabinbing ethics complaint naman laban kay Senator Antonio Trillanes IV.