Manila, Philippines – Nag-sorry si Senator Tito Sotto III kay Dept. of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Judy Taguiwalo at sa lahat ng nasaktan sa kanyang biro ukol sa solo parents.
Ang joke ay binanggit ni Sotto sa pagsalang ni SecretaryTaguiwalo sa Commission on Appointments.
Para gumaan ang atmosphere sa CA hearing ay inungkat ni Sotto ang pagiging solo parent ni Taguiwalo at nagbiro ito na ang salitang kalye sa solo parentingg ay “na-ano lang.”
Umani ng batikos sa social media at organisasyong Gabrielaang nabanggit na joke.
Pero paliwanag ni Sotto, hindi niya intensyon na bastusin ang mga kababaihan na solo ng nag tataguyod ng kanilang mga anak.
Paliwanag ni Sotto, siya ang huling mambabastos ng babae dahil ang ina niya ang isa sa mga founder ng women’s rights movement sa bansa habang may dalawang siyang anak na babae na hiwalay din sa kanilang mga asawa at solo ng nagtataguyod sa kanilang mga anak.
Senator Sotto, nag-sorry dahil sa kanyang joke ukol sa single mothers
Facebook Comments