Senator Sotto, tiwalang hindi kokontrahin ng China ang pag-okupa ng militar sa Panatag Shoal

Manila, Philippines – Buo ang suporta ni Senate Majority Leader Tito Sotto III sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na okupahin ang mga pinag-aagawang isla sa South China Sea.

Tiwala si Sotto na ang nabanggit na hakbang ng Pangulo ay hindi kokontrahin ng China na pangunahing umaangkin sa nabanggit na bahagi ng ating bansa.

Maging si Committee on National Defense and Security Chairman Senator Gringo Honasan ay walang ding nakikitang mali sa nais ni Pangulong Duterte na paglalagay ng watawat ng pilipinas sa Panatag Shoal.


Ang nabanggit na plano ayon kay Honasan ay hindi iligal, hindi immoral at hindi lalabag sa ating konstitusyon.

Diin ni Honasan, pagaari natin ang nabanggit na mga isla.
Nation”

Facebook Comments