Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Senator Antonio Trillanes IV na ang National ID System ay isang mabisang paraan para tugunan ang kriminalidad at paghahasik ng karahasan o terorismo sa bansa.
Subalit nakakadismaya, ayon kay Trillanes na hindi itinutulak ng husto ng palasyo o ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagasabatas ng panukalang National ID System.
Naniniwala si Trillanes, na mas nananaig kay Pangulong Duterte na proteksyunan ang mga kinakampihan nitong komunistang grupo sa halip na tiyakin ang kapakanan ng nakararaming pilipino sa pamamagitan ng pagpapatupad ng National ID System.
Kaya ang hamon ni Trillanes sa Adminstrasyong Duterte, isulong ng lubos ang National ID System at hayaang lumiit ang mundo ng mga mga kasapi komunistang grupo sa bansa.
“Aside from promoting efficient delivery of public services by curbing the perennial problem of providing various identifications in transacting with the government, this National ID System could also help our anti-crime and anti-terror campaign. By having a centralized database, eh would have easy access to information about suspects, fugitives and other lawless elements.” – paliwanag ni Trillanes.”