Senator Trillanes, nagbantang gagawa ng paraan para mapatalsik si Senate President Pimentel kapag hindi pinalitan si Senator Gordon bilang chairman ng Blue Ribbon Committee

Manila, Philippines – Nagbabala si Senator Antonio Trillanes IV na pagsisikapan niyang matanggal bilang Senate President si Senator Koko Pimentel kapag hindi nito pinalitan bilang chairman ng Blue Ribbon Committee si Senator Richard Gordon.

Diin ni Trillanes, hanggat nasa Blue Ribbon Committee si Gordon ay apektado ang independence ng Senado.

Nagiging susi aniya si Gordon para iabswelto o pagtakpan ang mga taga administrasyon na ginagawang mali.


Giit ni trillanes, dapat ang ilagay na chairman ng blue ribbon committee ay objective, walang kinatatakutan, at may mindset ng isang imbestigador at hindi defense lawyer.

Dagdag pa ni Trillanes, ang ugat ng bangayan ngayon sa pagitan ng mga Senador ay ang mahinang liderato ni Senator Pimentel.

Facebook Comments