Senator Trillanes, nagbantang ilalantad ang mga kliyente at transaksyon ni Atty. Mans Carpio sa BOC

4241

Manila, Philippines – Nagbanta si Senator Antonio Trillanes IV na bubungkalin niya kung sino-sino ang mga kliyente sa Bureau of Customs ni Atty. Mans Carpio na asawa ni Davao City Mayor Sarah Duterte.

Ayon kay Trillanes, ito ay sa oras na humarap na sa pagdinig ng senado si Carpio na aniya’y miyembro din ng davao group na nadadawit ngayon sa kontrobersyal na paglusot sa BOC ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu galing China.

Buo ang hinala ni Trillanes, na may inaareglo na problema ng mga kliyente sa Customs si Atty Carpio.


Giit ni Trillanes, bilang manugang ni Pagulong Rodrigo Duterte ay siguradong nakaka impluwensya sa Customs si Atty. Mans kaya mali na ito ay makipagtransaksyon sa ahensya.

Facebook Comments