Lalake, Binaril sa Magsaysay!

2344

Baguio City, Philippines – Hindi mo talaga masasabi kung hanggang kailangan ang buhay ng tao.
Dakong Alas-Once ng gabi kahapon, nagulantang ang mga tambay sa Magsaysay Avenue, Baguio City sa narinig na putok ng baril malapit sa mga bar at sugalan.
Nakilala ang biktima na si Felicito Todlem, 59 years old, taga Lubon, Tadian, Mountain Province at kasalukuyang nakatira sa Baguio City. Dinala ang bangkay sa Damayan Funeral Homes sa Marcos Highway para ieksamin ang labi.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang pamamaril at pinaghahanap ang suspek. Magkakilala diumano ang suspek at biktima.

Facebook Comments

From Advertisers