Senator Trillanes, naghain ng ethics complaint laban kay Senator Gordon

Manila, Philippines – Naghain ng 27-pahinang ethics complaint si Senator Antonio Trillanes IV laban kay Senatro Richard Gordon.

Base sa reklamo, nilabag ni Gordon ang senate rules, revised penal code , lawyers code of professional responsibility at ethical standards for public official and employees.

Basehan ng reklamo ni Trillanes ang umanoy malisyong pahayag ni Gordon laban sa kanya sa pagdinig ng pinamumunuan nitong Senate Blue Ribbon Committee noon Aug. 31.


Iniaangal ni Trillanes ang pagtawag sa kanya ni Gordon na nagdaldal ng hindi nalalaman, cockpit of tsismis, out of order at pag-suspinde ng hearing kahit walang naghahain ng motion.

Kasama din sa reklamo ni Trillanes ang nangyari sa pagdinig noong Oct. 3, 2016 kung saan pinagbintangan sya ni gordon na itinakas niya si edgar matobato para hindi makompronta ng mga pinagbintangan niyang miyembro ng davao death squad.

Diin ni Trillanes, bilang chairman ng mga komiteng nagsasagawa ng pagdinig ay hindi binibigyang konsiderasyon ni Gordon ang karapatan ng kanyang mga miyembro at kung anu ano pa ang malisyong mga akusasyon ang inihahayag nito.

Sinosolo din aniya ni Gordon ang pagdinig at hindi binibigyan ng sapat ng pagkakataon ng mga miyembro ng makapagtanong sa mga resource person.

Giit pa ni Trillanes, bias si Gordon at pinipili lang ang mga ipapatawag sa hearing at papadalhan ng subpoena.

Dahil sa nabanggit na mga kasalanan ay nais ni Trillanes na ipataw kay Gordon ang nararapat na parusa.

Facebook Comments