Senator Trillanes, naniniwalang may personal na hugot si Presidential Spokesman Roque sa panawagang magbitiw na si Chief Justice Sereno

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Antonio Trillanes IV na may personal na hugot si Presidential Spokesman Harry Roque sa panawagan nito kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw sa pwesto.

Sa pagkakaalam ni Trillanes ay nagkaroon ng hidwaan sina Sereno at Roque noon bilang parehong dating professor sa University of the Philippines.

Para kay Trillanes, hindi rin tamang manawagan ang Malakanyang ng pagbibitiw ng chief justice.


Nagpapakita aniya ito na mahina ang impeachment complaint at mga ebidensya laban kay Sereno.

Samantala, duda naman si Trillanes na may saysay ang pagiging human rights advocate ni Roque sa kanyang bagong trabaho ngayon.

Nangangamba pa si Trillanes na sa halip maging tagapagtanggol ng karapatang pantao ay baka maging instrumento lang si Roque para bigyan ng basehang legal ang mga gawain ng administrasying Duterte laban sa karapatang pantao.

Facebook Comments