Militanteng grupo, suportado ang termination ng BURI sa MRT 3

Manila, Philippines – Suportado ng grupong Bayan ang termination ng Maintenance contract ng BURI sa MRT 3 na dapat sana ay noon pa ginawa ng gobyerno dahil sa kapalpakang naidulot nito sa mga pasahero ng MRT 3.

Ayon kay Bayan Sec. Gen. Renato Reyes dapat managot ang mga opisyal ng gobyerno noon na pumasok sa maanomalyang kontrata na ito kung saan simulat sapul pa lamang ay hindi kwalipikado na ang BURI na tumatayong maintenance provider.

Paliwanag ni Reyes pinaburan umano ito nina dating DOTC Secretary Jun Abaya at iba pang opisyal ng gobyerno kung saan ay pinagkakitaan lamang umano ng BURI ang MRT 3 kayat dapat lamang silang managot at maparusahan.


Dagdag pa ni Reyes na panahon na para pag-aralan ng husto ng gobyerno ang pagsasaayos ng maintenance at huwag itong isapribado dahil pagkakakitaan lamang ito, ang mahalaga umano ay nabibigyan na tamang serbisyo ang mga pasahero ng MRT 3.

Facebook Comments