Hindi naitago ni Senator Cynthia Villar ang pagkairita ng lapitan siya ni Senator Manny Pacquiao at hikayatin na pumirma sa resolusyon na nagpapakita ng suporta kay Senate President Tito Sotto.
Tumanggi si Villar na pumirma at pinagsabihan si Pacquiao na huwag syang idamay sa problema ng mga kapartido nito sa PDP laban.
Ang resolusyon ay ideya ni Pacquiao at binalangkas ni Senator Panfilo Ping Lacson makaraang lumabas ang balita na ilalaban ng mga baguhang Senador si Villar para maging Senate President sa 18th Congress.
Pero diin ni Villar, wala syang nakikitang pangangailan na pirmahan ang resolusyon dahil wala naman umaagaw ng pwesto ni SP Sotto.
Nais din ni Villar na bago siya gumawa ng anumang hakbang ay matiyak niya muna ang committee chairmanship para sa kanyang mga kapratido sa Nationalista Party o NP na sina senators elect Imee Marcos at Pia Cayetano.