Sasailalim sa COVID-19 test ngayong araw si Senator Win Gatchalian na naka-quarantine na rin simula kahapon.
Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isang resource person sa pagdinig na isinagawa ng pinamumunuan niyang Committee on Education noong March 5.
Ang nabanggit na resource person ay naka-meeting din daw ni Senator Gatchalian noong February 27.
Samantala, dahil sa mga huling ganap sa Senado kaugnay sa COVID-19 ay kanselado na ang pagdinig na nakatakda ngayon kaugnay sa pagpasok sa bansa ng multi-milyong dolyar na halaga ng salapi na idinadaan sa paliparan.
Ito ay alas-onse sana ngayon isasgawa ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.
Hinala ni Gordon, ang nabanggit na salapit ay ginagamit sa money laundering activities na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Dahil dyan ay nakaligtas sa pagharap sa pagidnig ngayon ang pamilya Rodriguez na lumabas sa record ng Bureau of Customs na umano’t nagpasok din ng malalaking halaga ng salapi.
Sabi ni Gordon, may kumausap pa sa kanya at nagsusuhol ng 25 million pesos para hindi na paharapin sa Senate hearing ang mga miyembro ng pamilya Rodriguez.