Iginiit ni dating Bayan Muna representative at senatorial candidate Neri Colmenares na hindi siya magko-concede kahit pa ito ang dapat gawin ng mga hindi pinalad na makapasok sa top 12 senatoriables.
Ayon kay Colmenares, hindi siya magko-concede at tuloy pa rin siya sa mga ipinaglalaban pagkatapos ng eleksyon.
Aniya, kung tapat lamang ang naging halalan ay madali para sa kanya na tumanggap ng pagkatalo pero sa pagkakataon na ito ay hindi naging normal ang takbo ng eleksyon.
Aniya, bago pa ang halalan ay nakita na kung paano gumalaw, nangampanya at nagamit ang resources, pondo at pasilidad ng pamahalaan para sa senatorial slate ng administrasyon.
Bukod dito, ikinampanya pa ng AFP at PNP ang black propaganda na huwag iboto ang mga progressive candidates.
Aniya pa ang kwalipikasyon ng pagiging tapat sa mga mahahalal sa public office ay itinapon na ng gobyerno.
Dagdag pa nito, sa bilangan lang siya natalo pero hindi siya papadaig na hindi ituloy ang kanyang mga ipinaglalaban.
Base sa datus na nai-dokumento sa election hotline ng ACT , 67.72% ng kabuuang ulat ay may kaugnayan sa machine at paraphernalia issues.
Aminado ang COMELEC na may 400 hanggang 600 VCMs ang nag-malfunctioned sa panahon ng botohan.
Ito ay 220% na mataas, kumpara noong 2016 national and local elections.
Kabilang din sa mga natanggap na reklamo ng ACT Hotline ay mga kaso ng vote-buying at black propaganda.
#RMNbantaybalota2019