Dumalo ang sampu mula sa labing isang miyembro nito sa Dagupan City,kahapon, 25 Abril, 2025 upang ihayag ang kanilang mga plataporma sa harap ng publiko.
Libo-libong Pangasinense ang maagang pumila sa lugar upang makapasok sa venue kung saan ginanap ang campaign rally ng mga ito bilang pagpapakita ng suporta sa kani-kanilang sinusuportahang kandidato.
Ilan lamang sa mga inihayag ng mga ito ang plataporma ukol sa edukasyon, trabaho, medikal, agrikultura at iba pa.
Samantala, inihayag ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang kagalakan na pagdating ng mga ito sa lungsod at inialay ang buong suporta nito sa alyansa.
Sa kabilang banda, buhay ang pag-asa ng mga pangasinense na magkaroon ng tunay na pagbabago sa probinsya ng Pangasinan at buong Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









