VP Sara, nagpasaring kay Cong. Joel chua matapos na dumalo sa kampanya sa Maynila

Nagpasaring si Vice President Sara Duterte kay re-electionist at 3rd District Representative ng Maynila na si Congressman Joel Chua matapos na dumalo ito sa campaign rally sa Quiapo, Maynila kagabi.

Ani VP Sara, sinira umano ni Chua ang kaniyang pangalan matapos ang nangyaring hearing sa Kamara.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo na wala nang mawawala sa kaniya dahil kinuha na umano ito at niyurakan.

Ngunit nakalimutan umano nitong muli siyang kakandidato sa parehong posisyon sa darating na eleksyon.

Samantala, nagpasalamat naman ang bise presidente sa pag-iimbita sa kaniya dahil naipaabot niya ang mensahe niya sa taong bayan pagdating sa pagpili ng iboboto sa darating na halalan.

Facebook Comments