Senators Dela Rosa at Lacson, suportado ang pamumuno ni Cascola sa PNP

More than qualified si Police Lt. Gen. Camilo Cascolan para mamuno sa Philippine National Police.

Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, na dati ring hepe ng Pambansang Pulisya, napakaganda ng kalidad ng liderato ni Cascolan dahil hindi ito boss sa halip ay isa itong motivator.

Isa pang dating PNP Chief na si Senator Panfilo “Ping” Lacson ay wala namang nakikitang problema kung dalawang buwan lang na manunungkulan si Cascolan sa PNP dahil magreretiro na ito sa Nobyembre.


Mensahe ni Lacson kay Cascolan, “Goodluck, lalo na at ito ang magdedepensa ng panukalang budget ng Pambansang Pulisya para sa taong 2021”.

Sabi pa ni Lacson, silang dalawa ni Senator Dela Rosa ay pwedeng takbuhan ni Cascolan dahil personal silang handang tumulong.

Facebook Comments