Senators Drilon at Lacson, pabor sa ginawang pagbibitiw ni Comelec Chairman Bautista

Manila, Philippines – Pabor sina Minority Leader Franklin Drilon at Senator Panfilo Ping Lacson, sa ginawang pagbibitiw ni Commission on Elections o Comelec Chairman Andres Bautista.

Sabi ni Drilon, “right move” ang ginawa ni Bautista dahil mas magkakaroon na ito ng panahon para ayusin ang kaniyang mga personal na problema.

At dahil wala na sa pwesto ay hindi na aniya maakusahan si Bautista ng paggamit sa kapangharihan o impluwensya ng Comelec Chairman para sa kanyang kaso.


Idinagdag pa ni Drilon na dahil nabasura na sa mababang kapulungan ang impeachment complaint ay hindi na maaakusahan si Bautista na umiiwas sa nabanggit na reklamo kaya ito nagbitiw sa tungkulin.

Sabi naman ni Senator Lacson, ang pagbibitiw ay isang disenteng hakbang ni Bautista upang hindi makaapekto sa kanyang tungkulin ang mga kinakaharap niyang kontrobersiya.

Dagdag pa ni Lacson, mas matututukan na ni Bautista ang kanyang personal at domestic problem.

Facebook Comments