Senators Gatchalian at Zubiri, kumbinsido sa sinseridad ni Marc Anthony Ventura

Manila, Philippines – Tiwala sina Senators Win Gatchalian at Migz Zubiri na sinsero ang hangarin ni Marc Anthony Ventura na isiwalat ang katotohanan ukol sa kaso ng pagkamatay ni Horacio Atio Castillo III matapos umanong sumailalim sa hazing ng Aegis Juris Fraternity.

Ang pahayag ay ginawa nina Gatchalian at Zubiri sa harap ng pagdududa ni Senator Panfilo Ping Lacson na posibleng Trojan horse o pakawala lang si Ventura para guluhin o pahinain ang kaso laban sa mga kasamahan niya na miyembro din ng Aegis Juris Fraternity.

Naniniwala si Gatchalian na si Ventura ay isang credible witness at lumabas para bigyan ng katarungan si Atio.


Para naman kay Senator Zubiri si Ventura ang susi sa ikalulutas ng kaso ni Atio.

Matindi rin ang dating kay Zubiri ng laman ng affidavit ni Ventura kung saan punto por punto nitong isinaysay ang initiation rites na isinagawa ng fraternity kay Atio hanggang sa bumagsak na ito at mawalan ng malay.

Facebook Comments