Send-off ceremony para sa Philippine Army shooting contingent na ipapadala sa Thailand, idinaos

Nagsagawa ng send-off ceremony ang Phil. Army para sa42 delegates ng Philippine Army Shooting Contingent na ipadadala sa gaganaping 31st Association of South East Asian Nations (ASEAN) Armies Rifle Meet 2023 na inorganisa Royal Thai Army.

Idinaos ang seremonya sa Headquarters ng Philippine Army, sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Binubuo ang PASCON ng 25 shooters at 17 non-shooting staff na makikipagkumpetensya sa ASEAN Armies Rifle Meet (AARM) 2023 sa Infantry Center, Pran Buri District, Prachuap Khiri Khan, Thailand ngayong Nov 16-25.


Itinatag ang taunang aktibidad upang ipamalas ang professional goodwill, cooperation, at friendly competition sa pagitan ng mga bansa sa Asian region.

Kumpyansa naman si Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido na maipakikita ng shooting team ang husay at galing ng Phil. Army nang may buong dangal at integridad.

Facebook Comments