Send-off para sa papaalis na vice chief-of-staff ng PMC, isinagawa

Binigyan ng final send-off ng Philippine Marine Corps (PMC) si Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief-of-staff Lieutenant General Erickson Gloria na magreretiro sa serbisyo bukas.

Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ni PMC Commandant Major General Charlton Sean Gaerlan sa Marine Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig City.

Si Gloria ay miyembro ng Philippine Military Academy “Maringal” Class of 1988, isang tactical at rescue pilot at may hawak na Command Pilot rating sa Philippine Air Force.


Bago maging ikalawang pinakamataas na opisyal ng AFP, si Gloria ay commander ng AFP Western Command (WESCOM) sa Palawan.

Sa ilalim ng pamununo ni Gloria, kinilala ang WESCOM para sa pag-neutralize ng high-value targets sa lalawigan.

Siya rin ay anak ng isang highly decorated Marine Officer na si Col. Emmanuel Gloria na nanguna sa 1st Marine Brigade laban sa mga gerilya sa Bulacan at Rizal mula 1992 hanggang 1993.

Facebook Comments