Senior Agila at 11 iba pa, sinilbihan na ng subpoena ng DOJ kaugnay ng alegasyong pang-aabuso ng SBSI

Sinilbihan na ng subpoena ng Department of Justice (DOJ) ang mga lider ng Socorro Bayanihan Services Inc. na umano’y isang kulto.

Para ito sa preliminary investigation ng DOJ sa mga alegasyong child abuse, human trafficking at serious illegal detention sa Kapihan na nabunyag sa Senado kamakailan.

Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, labindalawang miyembro ng SBSI ang pahaharapin sa imbestigasyon ng DOJ sa October 9 kabilang si Jay Rence Quilario o mas kilala bilang “Senior Agila”.


Kasalukuyang nakakulong si Quilario at tatlong iba pa sa Senado matapos na ipa-cite in contempt dahil sa ilang ulit na pagtanggi sa nangyayaring child marriages sa kanilang komunidad sa kabila ng naging testimonya ng mga biktima.

Facebook Comments