Teves, Pacquiao, nagkaroon ng ‘chance encounter’ sa Timor-Leste

Nagkita sa Timor-Leste sina dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at dating Senator Manny Pacquiao.

Pero sa statement na nakuha ng DOJ mula sa kampo ni Pacquiao, ‘chance encounter’ lamang ang pagkikita ng dalawa at hindi sinasadya.

Nagtungo sa Timor-Leste si Pacquiao kasunod ng imbitasyon ni President Jose Ramos Horta at Prime Minister Kay Rala Xana Gusmao na maging guest of honor sa pagdiriwang ng kanilang Independence Day.


Muli silang nagkita sa dinner na inorganisa ng gobyerno ng Timor-Leste at ilang boxing groups pero hindi naman daw sila nagkausap.

Samantala, dahil nakumpirmang nasa Timor-Leste nga si Teves, kumpiyansa ang DOJ na mahuhuli at maibabalik na ito sa Pilipinas.

Facebook Comments