Senior Associate Justice Antonio Carpio, umatras din sa automatic nomination para sa Chief Justice post

1179

Umatras na rin si Senior Associate Justice Antonio Carpio sa automatic nomination para sa Chief Justice position.

Ito ay dahil magreretiro na rin si Carpio sa darating na Oktubre.


Una na ring umatras sa automatic nomination si Associate Justice Marvic Leonen.

Sina Leonen at Carpio ay kapwa kabilang sa top 5 na most senior na mahistrado ng Supreme Court kaya otomatiko silang napabilang sa mga aplikante sa Chief Justice post.

Sa darating kasi na Oktubre ay magreretiro na si Chief Justice Lucas Bersamin.

Tiniyak naman ni Leonen na kanyang susuportahan ang sino mang mahihirang na susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Facebook Comments

From Advertisers