Senior Citizen, Arestado sa Kasong Pagnanakaw!

*Ramon, Isabela-* Arestado ang isang Senior Citizen matapos magpalabas ng mandamyento de aresto si Judge Rodrigo F. Pascua ng MCTC San Isidro Ramon Isabela dakong alas dose kanina, Agosto 5, 2018.

Kinilala ang akusado na si Severino Alegado, 70 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Bugallon Proper, Ramon Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon sa RMN Cauayan ay naaresto ang akusado sa kasong pagnanakaw kung saan ay pansamantala naman itong makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng 40,000 pesos.


Sa ngayon ay nasa kustudiya na ng kapulisan si Alegado para sa kanyang kaukulang kaparusahan.

Facebook Comments