Isang Lalaki, Patay Matapos Pagbabarilin sa City of Ilagan!

City of Ilagan- Dead on the Spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na lulan ng isang motorsiklo dakong alas onse kanina, Agosto 5, 2018 sa tapat ng isang Car Wash sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan.

Kinilala ang nasawi na si Delfin Atluna, nasa hustong gulang at residente naman ng Brgy. Bliss Village City of Ilagan.

Sa impormasyong ipinarating ni Police Supt. Rafael Pagalilauan ang Hepe ng PNP Ilagan City, ay nasa loob umano ng isang kubo malapit sa kanyang traysikel ang naturang biktima ng bigla nalamang lapitan ng hindi nakilalang suspek at pinagbabaril ito.


Nagtamo naman ng tatlong tama ng bala ng baril si Atluna na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan habang agad na tumakas ang mga suspek gamit ang kanilang motorsiklo.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Ilagan ay nakasuot umano ng puting t-shirt at white bullcap ang bumaril sa biktima na mabilis namang tumakas makaraang mabaril si Atluna.

Sa ngayon ay patuloy parin ang isinasagawang pagsisiyasat ng PNP Ilagan upang malaman ang motibo sa pamamaril at matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na dapat mapanagot sa batas.

Facebook Comments