Dinakip ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Kalinga PPO, Regional Intelligence Division of PROCOR, RMFB15, PDEA-CAR, at Philippine Army ang mga suspek na si Peter Bagtang, 22-anyos; Langao Bagtang, 70-anyos; at isang 17-anyos na menor de edad.
Ayon sa report, kasalukuyan noon ang pagpapatupad ng OPLAN Herodotus 2 sa Mt. Bitulayungan, Brgy. Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga ng maaktuhang binubunot ng mga suspek ang tanim na marijuana bitbit ang kanilang sling bag na naglalaman ng baril.
Sinubukan rin ng mga ito na tumakas matapos makaramdam na may paparating na mga awtoridad ngunit nasakote rin kalaunan.
Nagresulta naman ng pagkakasamsam ng humigit kumulang 5,000 fully grown marijuana plants na tinatayang nakatanim sa 500 square meters na lawak ng lupain at nagkakahalaga ng P1 milyon, isang (1) cal.22 with 12 live ammunition; isang (1) cal. 9mm with 21 live ammunition at dalawang (2) magazines at isang (1) 12-gauge ARMSCOR shotgun na may apat (4) na live ammunition.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng mga awtoridad ang mga suspek para sa tamang disposisyon.