Pangulong Duterte, aminadong “palpak” ang ilang miyembro ng kanyang gabinete

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinakamahusay ang kanyang gabinete na inialok pa niyang regalo sa susunod na administrasyon.

Sa pulong sa Malacañang noong Lunes, sinabi ni Pangulong Duterte na masaya siya para sa bayan na kinuha niya ang aniya’y “valedictorians” para punan ang kanyang gabinete.

Pero inamin din ng pangulo na may miyembro ng kanyang gabinete ang “palpak” na hindi naman nito pinangalanan.


Kabilang naman sa mga pinuri ng Pangulo sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, Finance Secretary Carlos Dominguez III at si Transportation Secretary Arthur Tugade.

Nakatakdang bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte sa Hunyo.

Facebook Comments