Senior Citizen sa Cabagan Isabela, Arestado Dahil sa Iligal na Baril!

Cabagan, Isabela – Inaresto ng mga kasapi ng PNP Cabagan kaninang hapon ang isang senior citizen dahil sa iligal na baril sa Brgy. Centro, Cabagan, Isabela.

Sa impormasyong ibinahagi sa RMN Cauayan, kinilala ang akusado na si Florito Balacanao Reyes Sr.,pitumpu’t isang taong gulang, at residente ng Brgy. Magassi, Cabagan, Isabela.

Ang pagkakahuli kay Reyes ay sa bisa ng mandamiento de arresto na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 sa Cabagan, Isabela dahil sa kasong Illegal Possession of Firemarms and Ammonition o RA 10591.


Dinala sa himpilan ng PNP Cabagan si Reyes ngunit nakalaya naman agad matapos na makapaglagak ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng Php120,000.00.

Facebook Comments