Iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) na inaprubahan nila ang paggamit ng Sinovac vaccine ng China sa senior citizens dahil ‘beneficial’ ito sa age group.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sa halip na hintayin ang pagdating ng ibang bakuna ay dapat nang ipagamit sa mga senior ang Sinovac.
Bagama’t limitado ang efficacy data ng CoronaVac, walang problema sa paggamit nito batay sa monitoring ng 700 senior citizen health workers na naturukan nito.
Kaugnay nito, maglalabas ang FDA ng updated guidelines sa paggamit naman ng AstraZeneca vaccines sa susunod na linggo matapos suspendihin ang paggamit nito sa edad 60 years old pababa.
Facebook Comments